Monday, October 13, 2008

Globe Network Hacking

Globe Network Hacking

Naranasan mo na bang may biglang nagtext sayo at bigla ka na lang pinagmumura o kaya naman
kung ano ano ang mga pinagsasabi?
Nakarecieved ka na rin ba ng text galing sa 2916 na nagsasabing nagshare ka daw ng load sa
# na hindi mo naman kilala, samantalang 'di ka naman nagshare o nagtext sa 2916.
Last na 25 pesos mo at may emergency, nagpaload ka, tatawag ka na. Mabibigla ka na lang na
sasabihin sa iyo ng operator na "Sorry you do not have enough money left in your account...
blah blah blah!". Kawawa ka di ba?

Kung businessman ka at may kausap ka or ka deal mo sa isang project, tinawagan ka at iba ang
sumagot, pinagmumura ang client mo at next thing you know is nagback-out na ang client mo,
dahil sa kasalanang di mo naman ginawa.

Nanahimik na mag-asawa at hinawakan ni lalaki ang cel at pagkabitaw niya kinuha ni babae, may
biglang nagtext "You have shared blah blah blah..." ang dating ay parang nagshare ng load si
lalaki sa iba kahit di siya ang may pakana, Isang malaking away o maaring paghihiwalay ang
tiyak na magaganap.

Naghihintay si Bunso sa Kalye at tinext si daddy na "Dad last text ko na ito nasa estrada
street po ako w8 ko kayo" ngunit di narecieved ni daddy iba ang nakarecieved, itong si daddy
naman ay nagtext kay Bunso na "Anak di kita masusundo dahil di ako pinauwi ng boss ko
mag-commute ka na muna!" Di rin natanggap ni Bunso kaya naghintay siya hanggang gumabi. Anong mangyayari kay bunso? napakagandang dalaga pa naman niya!

Masayang nagdedate ang magnobya nang biglang may nagtext na "Honey bakit di ka nagrereply?" at nagkahiwalay ang dalawang inosenteng nagmamahalan. Dahil sa ligaw na text.

Sa maniwala kayo at sa hindi ay nangyayari ang mga bagay na ito ngayon sa Globe Network.
Madaming tao ang nawawalan ng Load, madaming tao ang nag-aaway at madaming taong napapahamak dahil sa Glitch na ito.

Samantalang ang mga hacker/User/Abuser naman ay nagsasaya sa nananakaw nilang load at
pineperwisyong tao, minsan nagnanakaw na nga sila nagrereply pa sa mga ligaw na text na
narerecieved.

Paano nangyayari ang bagay na ito?

Simple lang at di ko na ipapaliwanag kung paano gawin baka may ibang gumaya at magsamantala.
I was one of the hacker/abuser dahil akala ko walang apektadong tao at simpleng glitch lamang
ito hanggang sa may nagtext sa akin na "huhuhuh ang load ko, bakit na share sa iyo" at binalik
ko naman dahil malay ko pang ang taong iyon eh last money na ang pinang-load niya.

Ito ang mga bagay na ginagamit ng mga hackers/abusers/parasites:

1-3 Globe Simcard
1st (host/passer)
2nd (Leecher)
3rd (Final Receiver)

1 to 3 Mobile Phones

Smart Network
Network settings
Globe's 222

Like i said di ko sasabihin paano gagawin dahil marami ng napinsala.

How to make your Sim/Phone Safe?
First step is to Enable or set your Share-a-Load Pin.
Second Kapag di mo ginagamit at nakastandby mode lang ang phone mo,
Turn On you Fixed Dialling Setting and Go to your Call barring and Activate your Outgoing
calls.

As of now these are the safe Settings i know hanggang di pa naaayos ng Globe ito.

Seryosong problema ito dahil binabayaran natin ang globe sa mga services na pinoprovide niya.

How it works?

For example ang # ni sim 1 is: 0916 xxx xxx1
then gagawin niya ang settings
magbabal inquiry ng 2-3x
ang unang bal niya is ung original balance nya, sabihin na nating 0.
ikalawang/bal niya ay magiging 1-99999 depende sa mahuhuli ng network na sim.
now na nagawa na ang settings mag-iiba na ang # ni sim # 1 and magiging # niya ay ang nahuli ng network i.e 0927 xxx xxx3
ung load nung nahuling sim card ay pwede ng itransfer sa Sim # 2. then para maiwasan ni Sim # 2 na matrace ng original owner ng nabiktimang simcard epapasa naman ni sim # 2 kay Sim # 3 ang nanakaw na load.

Kung naka pin ang share a load mo, safe ang load mo. Pero ang call hindi. Now kapag naka activate ang barring + Fixed Dialling, once na napili ng network ang Sim mo, May makikita kang message na Sim Registration Failed, Phone will now Restart. Talo ang Hacker!

Most Users/abusers/Hackers are from Pampanga.

-- chayd (Richard Tolentino)

No comments: